^

PSN Palaro

TNT sasakit ang ulo kay Rosario

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakamit ni Troy Rosario ang una at nag-iisa niyang PBA championship habang naglalaro para sa TNT Tropang Giga noong 2021 Philippine Cup bubble sa Bacolor, Pampanga.

At ngayon ay hangad niya ang ikalawang titulo suot ang uniporme ng Barangay Ginebra sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

“With great difficulty. Troy brings a lot more than just his skills and his talent to a game,” sabi ni Tropang Giga coach Chot Reyes sa dati niyang TNT player. “He’s willing to do whatever it takes. He’s a great teammate.”

Nahugot ng Gin Kings ang 6-foot-7 na dating National University Bulldogs big man sa free agency matapos ang kontrata nito sa Blackwater Bossing.

Isa si Rosario sa mga aasahan ng Ginebra sa pagsagupa sa TNT sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship series na magsisimula sa Biyernes sa MOA Arena sa Pasay City.

Magiging problema ng Tropang Giga si Rosario sa kanilang titular showdown ng Gin Kings.

“There’s so many intangi­bles when you talk about Troy,” wika ni Reyes kay Rosario na bumanat ng average na 13.0 points sa 4-1 pagsibak ng Ginebra sa NorthPort sa kanilang best-of-seven semifinals showdown.

Ito ang ikatlong pagka­kataon na maghaharap ang Ginebra at TNT sa PBA Finals. Tinalo ng Tropang Giga ang Gin Kings sa Season 48 at 49 PBA Governors’ Cup Finals.

Magkakaroon din ng epekto sa laro ng TNT ang pagkawala ni veteran guard Jayson Castro na sumailalim sa surgery matapos magkaroon ng full thickness patellar tendon tear sa kanang tuhod sa Game Two ng kanilang semifinals duel ng Rain or Shine.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad