^

PSN Palaro

PLDT kokonekta ng back-to-back wins

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang back-to-back wins ang hangad ng PLDT Home Fibr habang puntirya ng Choco Mucho ang ikatlong sunod na ratsada sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang High Speed Hitters (4-2) at Flying Titans (4-3) ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banatan ng Akari Chargers (3-4) at Nxled Chameleons (0-6) sa alas-4 ng hapon.

Umiskor ang PLDT ng 25-22, 25-16, 25-15 panalo sa Akari tampok ang game high 15 points ni Fil-Canadian Savi Davison.

“It’s good to have one more in our win bracket and just going into this year starting on a high note,” wika ni Davison na mu­ling makakatuwang sina Majoy Baron, Erika Santos, Dell Palomata at Kiesha Bedonia.

Pumalo naman ang Choco Mucho ng 20-25, 20-25, 25-22, 25-22, 15-9 come-from-behind win sa ZUS Coffee (2-4).

“Itutuloy namin ang ga­nitong laro, pero si­yempre, kailangan pa rin magtrabaho nang husto,” sabi ni Sisi Rondina na nag­lista ng 25 points para sa Flying Titans.

Nabawasan ang puwersa ng Choco Mucho matapos sumailalim si middle blocker Kat Tolentino sa isang emergency surgery dahil sa kanyang ruptured appendix.

“Sobrang hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa team namin every time na merong babalik, may biglang mawawala,” wika ni coach Dante Alinsunurin.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with