^

PSN Palaro

UAAP yearender: UP nagdomina sa iba pang sports

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
UAAP yearender: UP nagdomina sa iba pang sports
Ipinagdiwang ng UP Fighting Maroons ang kanilang pagkopo sa UAAP Season 87 men’s basketball crown kontra sa La Salle Green Archers
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hanep ang taong 2024 para sa University of the Philippines dahil maliban sa pag-angkin ng korona sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament ay nagningning din sila sa iba pang sports events.

Bukod dito ay dinomina rin ng Katipunan-based squad  ang men’s athletics at women’s badminton tournaments.

Ayon kay UP Office for Ath­letics and Sports Deve­lop­ment (OASD) director Bo Perasol, masaya ang es­­kuwelahan dahil nagkampeon sila sa basketball na isa sa paboritong sport sa bansa.

Pero ang trabaho ng OASD ay i-develop lahat ng kanilang sports kaya naman naging masagana ang taong 2024 para sa UP.

“Winning a basketball championship is a real bles­sing. Although we are and have been champions in many other sports like track and field, football, badminton, swimming, judo, and tennis,” ani Perasol, ang dating head coach ng men’s basketball team noong 2016 hanggang 2021.

Nasungkit ng Fighting Maroons ang pang-apat na titulo nang patalsikin nila sa trono ang De La Salle University, 66-62, sa Game Three ng kanilang best-of-three championship series.

Matamis din ang pag­ka­kapanalo ng UP dahil nabawian nila ang Green Archers na tumalo sa kanila noong nakaraang taon sa Game Three din.

Sa katunayan ay apat na sunod na seasons na naglalaro sa Finals ang UP.

Puro nasagad ang ka­nilang mga laro sa Game Three.

Noong Season 84 ay ina­lisan nila ng korona ang Ateneo de Manila Universi­ty Blue Eagles.

Nabigo naman ang Figh­ting Maroons sa Seasons 85 at 86 kontra sa Blue Eagles at Green Ar­chers, ayon sa pagkaka­su­nod.

Kaya mahalaga ang kam­peonato ng UP nga­yong taon at kasama sa ta­­gumpay ang pagkakapa­nalo ni JD Cagulangan bilang Finals Most Valuable Player matapos nitong akbayan ang koponan.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with