^

PSN Palaro

Quezon, Biñan giyera sa Game 1 ng MPVA

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakasubukan na ang primerang Quezon at surprise finalist na Biñan Tatak Gel 1-Pacman Partylist sa bigating Game 1 ng 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) best-of-three finals ngayon sa Alonte Sports Arena.

Kukulo ang giyera sa alas-6 ng gabi taya ang 1-0 kartada upang mamuro sa kampeonato pagkatapos ng bronze medal sa alas-4 ng hapon sa pagitan ng Rizal St. Gerrard Charity Foundation at Bacoor Strikers.

Paborito ang Quezon sa harapan matapos pa­ngunahan ang elimination rounds hawak ang 14-2 kartada at kinailangan lang ng isang laro sa semifinals upang makaabante agad sa titular showdown.

Armado ng twice-to-beat incentive, umeskapo ang Tangerines sa Rizal, 25-22, 25-23, 23-25, 19-25, 15-10, para makaiwas sa Game 2 na siya namang nagawa ng No.3 Biñan kontra sa No. 2 na Bacoor.

Binura ng Volley Angels ang twice-to-beat advantage ng Strikers sakay ng dalawang panalo, 25-21, 26-24, 25-21 at 25-18, 25-18, 25-16, para makuha ang karapatang hamunin ang Quezon.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with