RJ maraming natutunan sa finals series
MANILA, Philippines — Maraming natutunan si Barangay Ginebra guard RJ Abarrientos sa finals ng katatapos na PBA Governors’ Cup.
Yumuko ang Gin Kings sa Talk ’N Text Tropang Giga sa Game 6 ng best-of-seven championship series sa iskor na 2-4.
Sa kabila ng kabiguan, magandang experience ito para kay Abarrientos dahil sa mga aral na nakuha nito sa buong panahon ng finals series.
“This game is more on learnings, not losing. So dadalhin ko ito, lalagay ko ito sa pocket ko,” ani Abarrientos.
Alam ni Abarrientos na marami pa itong kakaining bigas upang mapunan ang anumang pagkukulang.
“Paghihirapan ko pa kung ano naman yung kakulangan na yun,” ani Abarrientos.
Maganda ang inilaro ni Abarrientos sa Game 6 kung saan nagpasabog ito ng 31 puntos.
Subalit hindi ito sapat para buhatin ang Gin Kings.
Umani ang Ginebra ng 85-95 kabiguan sa kamay ng TNT para tuluyang maglaho ang pangarap nitong makuha ang kampeonato sa kumperensiya.
Isa sa mga ipinunto ni Abarrientos ang mga natutunan nito kay TNT point guard Jayson Castro na siyang itinanghal na Finals MVP.
“Marami akong natutunan lalo na kay kuya Jayson (Castro). Sinabi niya sa akin na ipikita mo yung best mo,” ani Abarrientos.
Masaya naman si Gin Kings head coach Tim Cone na nakukuha na ni Abarrientos ang sistema ng kanilang tropa.
“RJ’s still figuring it out. He figured it out (in Game 6). It was a struggle for him in the first five games, really getting him going, really understanding what he could get done,” ani Cone.
- Latest