La Salle waiting na sa Finals ng Shakey’s volley
MANILA, Philippines — Dumaan sa butas ng karayom ang De La Salle University bago kinahon ang finals ticket nang kalusin nila sa limang sets ang University of Santo Tomas, 26-28, 25-19, 25-20, 21-25, 15-13 sa knockout semifinals ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum Miyerkules ng gabi.
Sinandalan ng Lady Spikers sina Shevana Laput at Angel Canino sa bandang dulo ng labanan sa fifth set para kalusin ang Golden Tigresses at manatiling malinis ang karta simula pa sa first round ng Group stage.
Haharapin ng Taft-based squad sa Finals ang mananalo sa isang semifinals match sa pagitan ng National University at Far Eastern University sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.
Best-of-three ang format ng bakbakan sa finals na magsisimula sa Nobyembre 22 sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.
Umiskor ang 2023 National Invitationals MVP na si Laput ng 19 points kung saan ay apat ang inambag niya sa deciding frame kasama ang back-to-back hits para sa Lady Spikers.
- Latest