Davison muling hahataw sa PLDT sa AFC
MANILA, Philippines — Matapos hindi makalaro sa nakaraang 2024 PVL Reinforced Conference ay magbabalik si Savi Davison sa pagsalang ng PLDT Home Fibr sa All-Filipino Conference.
Matagumpay ang naging operasyon sa kaliwang tuhod ng Fil-Canadian spiker.
Kaya handa na siyang muling banderahan ang High Speed Hitters sa AFC na nakatakdang buksan sa susunod na buwan.
Dahil sa pagkawala ni Davison ay bigo ang PLDT na maka-podium finish sa Reinforced Conference.
Samantala, nagpaalam na sa High Speed Hitters si veteran Rhea Dimaculangan.
Nagwagi ng apat na titulo para sa Petron Blaze Spikers sa nabuwag na Philippine Superliga (PSL), inaasahang tututukan ng 32-anyos na si Dimaculangan ang pagbuo ng sariling pamilya matapos ikasal noong Hunyo.
Bukod naman kay Davison ay magbabalik din sa tropa ni coach Rald Ricafort si veteran middle blocker Dell Palomata na miyembro ng Alas Pilipinas.
Sa nakaraang season-ending Invitational Conference ay pinayagan na ang mga national team players na magbalik sa kanilang mga PVL clubs.
Kasama na rito si Jema Galanza ng nagreynang Creamline.
- Latest