^

PSN Palaro

Ubos!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Masakit  man tanggapin, napangiti na lang si coach Yeng Guiao.

Isipin mo, sure win na, well, halos, na-olats pa ang Rain or Shine sa San Miguel Beer last Thursday.

Marahil eh napanood n’yo ng live sa TV or sa Facebook or YouTube ang game. Ako, inulit-ulit ko.

Ganito ang eksena. Lamang ang SMB, 111-108, nung ma-foul sa four-point line ang Fil-foreign rookie na si Felix Lemetti ng ROS with three seconds left.

Elibs din ako sa tibay ng dibdib ni Felix dahil pinasok niya ang apat na free throws para lumamang ang ROS, 112-111.

Na-focus sa TV si coach Yeng sa pangatlong free throw. May ngiti at parang nabasa ko ang isip niya.

“Patay kayo sa amin.”

Kaso, nag-lapse sa defense ang ROS. After ng inbounds, napunta ang bola kay June Mar Fajardo. May kalayuan pa. Lampas pa sa free throw. Tinira ng MVP.

Naawa ang bola. Pumasok. Panalo ang SMB, 113-112. Kaya imbes na 5-0 ang kartada ng ROS, naging 4-1.

After the buzzer, na-focus ulit sa TV si coach Yeng. May ngiti pa rin sa mukha niya.

Binasa ko ulit ang isip niya.

“Patay tayo diyan.”

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with