Ateneo, UP agawan sa panalo sa UAAP opener
MANILA, Philippines — Sisikapin ng Ateneo na lumipad agad ng mataas kontra University of the Philippines upang makuha ang unang panalo sa pagbubukas ng 87th season ng UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Magsisimula ang opening ceremony sa alas-11 ng umaga at ang aksyon sa pagitan ng magkaribal na eskuwelahan sa Katipunan, Blue Eagles at Fighting Maroons ay sa alas-6:30 ng gabi.
Para sa UP, maliban sa pagsilo agad ng unang panalo ay nasa kukote din ng paaralan na maging makulay ang opening ceremony ng UAAP Season 87 na iho-host nila.
Ihahanda ng season host UP ang kanilang mga estudyanteng magbibigay ng saya sa mga manoood ng live kasama ang pagtugtog ng sikat na bandang Eraserheads.
“Our opening ceremony is a celebration of the spirit of unity amid rivalry that defines the UAAP. This year, we aim to celebrate not only the competitive edge of our universities but also the camaraderie and a shared passion that brings us together.” ani UAAP Season 87 President at UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo L. Vistan II, LLM.
Kakaiba ang pagdaos ng Season 87 ngayon dahil unang beses mangyayari na tatlong basketball events ang magaganap sa isang semester.
Masisilayan ang bakbakan sa collegiate men’s, collegiate women’s, at junior high school boys’ basketball.
- Latest