^

PSN Palaro

King George

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nakabangon mula sa hukay ang Blackwater sa PBA Governors’ Cup.

Natalo sa first three habang si Ricky Ledo ang import. Kaya ang management decision: Sibakin.

Dumating si George King as replacement at agad nasubukan dahil Ginebra na may Justin Brownlee ang kalaban.

Pero nangyari ang dehins inaasahan. Tinalo ng Blackwater ang Ginebra, 95-88.

Unang panalo ng Blackwater sa torneo at unang panalo ng mga Bossing kontra sa Gin Kings in five years.

Noong May 24, 2019 pa ang huling panalo ng Blackwater sa Ginebra. Eh si Digong pa ang Presidente natin.

Yes, ganun katagal.

At dahil sa panalo, nabuhayan ng loob ang Black­water.

Sa Martes ang next game ng Blackwater kontra Phoenix na wala pang panalo after three games.

Finally, feeling llamado ang Bossing dahil may import sila na maaasahan. In his first game sa PBA, 33 points and 19 rebounds si King.

Tawagin natin siyang King George.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with