^

PSN Palaro

Elasto Painters ipininta ang 4-0 record

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Elasto Painters ipininta ang 4-0 record
Sinagupa ni Beau Belga ng Rain or Shine ang dalawang player ng Phoenix.
PBA Image

MANILA, Philippines — Bumangon ang Rain or Shine mula sa double-di­git deficit sa first half para res­bakan ang Phoenix, 116-99, sa PBA Season 49 Go­vernors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Umiskor si import Aaron Fuller ng 28 points pa­ra tulungan ang Elasto Painters na maipinta ang per­pektong 4-0 record.

Ito ang best start ng mga bataan ni coach Yeng Guiao na nailista rin nila noong 2012 PBA Gover­nors’ Cup na kanilang pi­nagharian.

Iniskor naman ni Adrian Nocom ang 19 sa kanyang 21 markers sa second pe­riod na nagbangon sa ka­nila mula sa 13-25 pagkakaiwan sa first quarter.

Nag-ambag si Jhonard Clarito ng 15 points at may 13 markers si Andre Ca­racut.

Naglaro ang Fuel Masters na walang import at na­hulog sa 0-3.

Nagtabla sa 55-55 ang dalawang tropa sa halftime bago nakawala ang Rain or Shine sa third period bitbit ang 84-76 abante.

Lalo pang nabaon ang Phoenix sa 96-116 sa hu­ling 1:10 minuto ng final canto matapos ang three-point shot ni rookie Caelan Tiongson.

Samantala, mag-uunahan sa pagbangon mula sa pagkatalo ang San Mi­guel (2-1) at NLEX (2-1) ngayong alas-6 ng gabi sa Cagayan de Oro City.

Nakalasap ang Beermen ng 102-108 kabiguan sa Barangay Ginebra Gin Kings, ha­bang yumukod naman ang Road Warriors sa Elasto Painters, 105-124, sa kanilang mga hu­ling laro.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with