^

Probinsiya

Pabuya itinaas sa P2.2 milyon vs killer ng 2 pulis-Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Itinaas na kahapon sa P2.2-milyon ang nakalaang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormas­yon o makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek na pumatay sa dalawang pulis sa Bocaue, Bulacan.

Naunang nagpaha­yag na magbibigay ng tig-100K pabuya si Bocaue Mayor Jonjon Villanueva at PRO3 Regional Director Brig. Gen. Jean Fajardo para sa agarang ikadarakip ng isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa dalawang pulis na nakatalaga sa Bocaue Police Station.

Kamakalawa ay nagpahayag na rin si Bulacan Governor Daniel­ Fernando na magbibigay siya ng P2 milyong pabuya para sa makapagtuturo sa pinagtataguan ng isa sa suspek sa ginanap na pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council sa Hiyas Pavillion sa nasabing siyudad.

Nauna nang naaresto ng mga otoridad si alyas “Dado” sa isinagawang follow-up ope­ration at kasalukuyan nang pinag­hanap si alyas “Athan” na siyang itinuturong bumaril at nakapatay sa dalawang pulis na sina PStaff Sergeants Dennis Cudiamat at Gian George dela Cruz at tumangay sa kanilang mga service firearms.

BULACAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with