^

Metro

Kasong rape vs Pandi Mayor ibinasura ng korte

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kasong rape vs Pandi Mayor ibinasura ng korte
Mayor Enrico Roque
STAR/ File

MANILA, Philippines —Ibinasura ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 121 ang kasong rape na inihain laban kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at sa dalawang kasama nito matapos mapatunayang walang basehan at walang katotohanan ang mga bintang laban sa alkalde.

Sa desisyon ni Judge Rowena Violago Alejandria ng RTC Branch 121 noong February 25, 2025, inilahad dito  na ang pangalan ng nag-akusa sa alkalde na isang Mikaela Buico Mariano, ay hindi umano tunay na pangalan at imbento lamang din umano ang address ng tirahan na ibinigay nito.

Ayon pa sa korte, maging ang medico-legal na isinumite nito ay napatunayang hindi
totoo, gayundin ang blotter nito dahil wala ito sa mga dokumento ng Women and Children Protection Desk ng Caloocan City Police Station.

Sinabi naman ng kampo ni Roque na ang kasong kriminal na inihain laban sa alkalde ay isa lamang umanong direktang paninira sa kanyang pagkatao at public image.

Dagdag pa nila ang kasong ito ay nagbigay ng kahihiyan kay Roque hindi lamang may kaugnayan sa pulitika kundi isang pagnanakaw na rin sa kanyang mga karapatan bilang tao dahil sa mga walang katotohanan at inimbentong akusas­yon laban sa kanya.

TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->