Duterte tatayong abogado ni VP Sara sa 3 impeachment complaints
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Vice President Sara Duterte na ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagboluntaryong maging abogado sa kaniyang legal na laban na kinabibilangan ng mga reklamong impeachment.
Sa noche buena ng pamilya Duterte, sinabi niya na nag-aalala ang kanyang ama at nagtanong tungkol sa kalagayan ng kanyang impeachment.
Tinanggihan umano ni Sara ang alok ng ama sa suportang pinansiyal kaya nag-alok na lang sa anak na siya na ang mag-aabugado sa mga kinakaharap na reklamo.
“Sabi niya na, since hindi ko tatanggapin yung pera, mag-lawyer siya para sa akin. So sinabi niya, he will be a collaborating counsel for all cases,” ani Sara sa panayam ng media sa Davao City.
Hinihntay na lamang aniya, ang pormal na ipadadalang articles of impeachment mula sa House of Representatives.
“Gumawa kami ng mga inventory of cases base sa mga nabasa namin sa media based on interviews sa agencies of government, House of Representatives, Department of Justice, NBI, and PNP. And then each case may assigned lawyer to handle the case,” paliwanag niya.
Nanindigan ang Bise Presidente na wala siyang nilabag na batas.
- Latest