^

PM Sports

KQ kumpirmadong lalaro sa KBL

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos mahigit walong buwan na basketball ang focus ni De La Salle Uni­versity star Kevin Quiambao kaya naman pagkatapos ng kanilang Game 3 do-or-die Finals kontra University of the Philippines sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro noong Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum at magpapahinga muna ito para samahan ang pamilya sa Pasko at Bagong Taon.

“For me, papahinga mu­na ako ngayon. I think I have until this December. Pahinga muna ako and I don’t know what’s next,” saad ni back-to-back MVP, Quiambao.

Pagkatapos ng hirap na pinagdaan sa mga trai­nings sa paglalaro nito sa Gilas Pilipinas at De La Salle at pagbalanse sa kanyang pag-aaral at pa­giging tatay, ayaw muna isipin nito ang susunod sa kanyang basketball career.

“For now, ayoko muna isipin. Pahinga muna ako kasi eight months ako nag-ba-basketball. Tuluy-tuloy at straight,” wika ni Quiambao.

Ilang Linggo lang ma­kakasama ni Quiambao ang kanyang asawang si Faye Aguila at bagong pa­nganak na si Kevin Vennan.

Ilang araw pagkatapos ng Bagong Taon ay tutu­ngo si Quiambao sa Korea para pormal na pumirma ng kontrata sa KBL team Goyang Sono.

Yumuko ang Green Archers sa University of the Philippines Fighting Maroons, 62-66, sa ‘do-or-die’ Game 3 ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament noong Linggo.

 

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->