^

Pang Movies

Neri Naig, arestado!

Pang-masa
Neri Naig, arestado!
Neri Naig

MANILA, Philippines — Grabe, nagsasagawa pala ng manhunt operation sa pangunguna ng mga tauhan ng Sub-Station 10 Pasay City Police sa pakikipag-ugnayan sa Warrant and Subpoena Section, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Neri Naig sa isang basement convention center na matatagpuan sa isang mall sa Pasay City noong Sabado (Nobyembre 23) sa ganap na 2:50 p.m. ayon sa kumalat na ulat kahapon.

Ang akusado diumano ay nakalista bilang Rank #7 (Station Level) para sa Nobyembre 2024, ay dinakip matapos isilbi ang warrant of arrest para sa 14 na bilang ng paglabag sa Securities Regulation Code (Section 28 of R.A. 8799), na naka-docket sa ilalim ng Criminal Cases No. R-PSY-24-01653-CR hanggang R-PSY-24-01654-CR at R-PSY-24-01829-CR hanggang R-PSY-24-01840-CR na inisyu ni Hon. Gina Bibat Palamos, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 111, Pasay City, noong Setyembre 18, 2024, at Oktubre 16, 2024. Itinakda ang piyansa sa ?126,000 para sa bawat isa sa mga bilang; at Estafa sa ilalim ng Article 315 Par 2(a) kaugnay ng PD 1689 (Syndicated Estafa) na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. R-PSY-24-01652-CR na inisyu ni Hon. Ronald August L. Tan, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 112, Pasay City na may petsang Setyembre 17, 2024, na walang nakasaad na piyansa.

Naglabas na ng commitment order ang korte.

NERI NAIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with