^

Bansa

Pangulong Marcos tiwalang walang mababago sa ugnayan ng Pinas at Amerika

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos tiwalang walang mababago sa ugnayan ng Pinas at Amerika
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi mababago ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos matapos na manalo sa katatapos na eleksyon si President-elect Donald Trump.

Ayon sa Pangulo sa kanyang palagay ay walang mababago sa matibay na relasyon ng dalawang bansa.

“I don’t think it will change. The global for­ces that are our oldest treaty partner, that doesn’t change,” sagot ni Marcos sa isang ambush interview matapos tanungin kung ano ang komento niya sa relasyon ng dalawang bansa sa pagkakapanalo ni Trump.

Sa kabila nito, susuriin pa rin aniya ng presidente kung mayroong mala­king pagbabago matapos magkaroon ng bagong pangulo.

“So, I will have to see if there is a major change, but I don’t think so.  I don’t think so,” dagdag pa niya.

Matatandaan na ­binati ni Marcos si Trump matapos ang kanyang pagkakapanalo sa eleksyon at umaasa na mas magiging mabunga at dynamic ang partnership ng Pilipinas at Amerika.

Ang Pilipinas at Amerika ay mayroong matibay na kooperasyon sa defense at security, trade and investment, food and energy security, renewable energy, climate action, digital transformation, infras­tructure development, at humanitarian assistance.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with