(Part I)
Sabi nila “The Philippines has a damaged culture.” Ang kultura nga ba natin ay napinsala? Atin munang alamin at intindihin ang kahulugan ng kultura. What are the elements of our culture? Let us analyze “who we are, how we think, what we do.
Pantay pantay ang karapatan ng lahat ng mga bansa. Ngunit, may kani-kanyang kalupaan at klima (geography), kasaysayan (history), mga halaman at hayop (botany and zoology), at mga kaugalian (customs).
Ang Lupang Sinilangan (Land Of Our Birth)
Ang ating bayan ay nasa kontinente ng Asia. Kinabibilangan ng pitong libong pulo (archipelago). Noong unang panahon, wala pa itong pangalan. Lumutang ang ating mga kapuluan sa pagitan ng Pacific Ocean at China Sea. Napapaligiran tayo ng mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Singapore, Malaysia, Indonesia, Brunei Darussalam, Timor Leste, Burma (Myanmar), Thailand, Cambodia, Laos at Vietnam. Ang pangalang Las Islas Filipinas ay binigay sa ating bansa nang masakop tayo ng mga Kastila alang-alang sa kanilang hari na si Rey Felipe II.
The Far East countries are China, Mongolia, Japan and Korea. Nandyan din ang maliliit na pulo sa Polynesia tulad ng Palau, Samoa, Tuvalu, Fiji, Vanuatu, Tonga, Kiribati, etc. Ang pinakamalaki ay Samoa na may 75,000 na katao at ang iba ay may 2,000 o 3,000 katao lamang. The continents of Europe and the Americas have four seasons summer, autumn, winter, and spring. But in Southeast Asia, including the Philippines there are only two seasons: dry and wet. This influenced the agriculture products in the region. Ang China, India, Indonesia at Malaysia ay ang mga bansang naunang nakipag kalakal sa Pilipinas. Ginaya natin ang kanilang moda ng pananamit tulad ng kamisa tsino, sarong o pantalong manipis para sa mga lalaki, at tapis at saya para sa mga babae. Ganon din ang pagluluto lalo na ang ulam ng mga Chino.
Paano naubos ang biyaya ng ating ‘archipelago’?
Ang ating pagkain, pananamit, pamamahay at kabuhayan ay galing sa ating paligid – sa lupa, Ilog at karagatan pati na ang mina ng ginto at pilak. Kadalasan, ang pangunahing kabuhayan ng mga Pilipino ay pangingisda at pagsasaka (Majority of Filipinos are fishermen and farmers.) Masagana ang ating kalikasan. Ngunit tumaas ang populasyon ng Pilipinas. Noong panahon ng Kastila ang ating populasyon ay kulang-kulang isang milyon. Bago tayo binigyan ng kalayaan ng Amerika, halos 20 milyon na ang mga Pilipino, kahit napaka dami ng namatay sa World War II noong 1945. Bago nagdigmaan, nangunguna ang Pilipinas sa kaunlaran ng Asia. Pinagmamalaki tayo ng Amerika na “windows of democracy”. Ngayon ang ating populasyon ay nasa 108 milyon na at hindi nasabayan ng quality education. Dahil din dito ay hindi umunlad ang agrikultura.
Malaki na ang pinagbago ng mga Pilipino, lalo na sa probinsya. Naghihirap na ang ating bayan at salat sa kaalaman. Sa biglang pag taas ng populasyon, hindi na sapat and pagkain, pananamit at pamumuhay. Hindi na kayang makapag aral ng karamihan. Dahil hindi mabisa ang “family planning” tumataas ang maternal and infant mortality.
Dahil dito unti unting nasisira ang ating kalikasan. Sa halip na turuan ang mga tao na pangalagaan ang yamang dagat (corals, reefs, sea grass) maraming mangingisda ang gumagamit ng dinamita. Sa bukid naman ay gumagamit ng inorganic na pataba. Mabilis nga at marami ang ani, nalalason naman ang lupa, namamatay tuloy ang mga susô at bulig (snails and small mudfish) na pangtawid gutom ng malalaking pamilya.
Kahit ang ating kabundukan ay nasisira. Ang kadalasang hanap-buhay ng mga katutubong nakatira dito (Sambal, Mangyan, Aetas, Lumad, etc.) ay pangangahoy para sa uling sa pamamagitan ng pagkakaingin. Lingid sa kanilang kaalaman, nababawasan and mga katutubong hayop at namamatay ang mga ferns at orchids na mas mahalaga sa gabi o kamote na kanilang inaani. Hindi rin nila naiintindihan na ang pagkasira ng kabundukan ay nagiging sanhi ng landslide at pagkasira ng watershed.
Halo-halong kultura ang bumubuo sa atin
Ano ang nangyari sa atin sa nakaraang limang milenyo bago mag 1521? Ang kabihasnang Asiatico (Asian Civilization) ay unang naisalaysay noong 11th siglo (11th century) – panahon ng “Holy Crusade”. Bago dumating ang mga Kastila noong 1521, maraming Indonesian, Malaysian, Indian at Burmese ang naglakbay at nanirahan sa Pilipinas. Nahawa tayo ng kanilang kultura na binuo ng Majapahit at Srivishayan empires. Ang kanilang “epic”, Ramayana, ay may kalakip na sayaw at musika. Nagsama ang Hinduism at Buddhism sa kanilang pananampalataya. Ito ay makikita sa templo ng Angkor Wat (Cambodia), Borobudur (Indonesia), sa Ayuthaya at Sukhotai (Thailand) at Shwedagon Pagoda (Myanmar). Magkahawig din ang kanilang wika at sulat (Sanskrit). Malakas ang kabuhayan ng kanilang kaharian dahil sa masaganang lupa at Ilog Mekong. Ngunit ang magkadikit na kaharian ng Thailand, Cambodia at Vietnam ay nakikipag digmaan dahil sa pinag-aagawang territoryo. Ang ating bayan ay hindi napasali sa digmaan dahil nasa kalagitnaan tayo ng karagatan.
Maaring tayo ay naging Muslim o Hindu kung hindi dumating ang mga Kastila at Amerikano. Naniniwala sa mga espiritu ng kapaligiran ang ating mga ninuno. Walang relihiyon ang karamihan hanggang nasakop tayo ng mga Kastila na nagturo ng pagsamba sa Diyos. Ang mga kumbento ay naging unang paaralan, kung saan ang mga nabinyagan ay natutong magbasa at magsulat.
Ang ating kabihasnan bago dumating ang mga Kastila
Bago dumating si Magellan, mayroon na tayong katutubong batas na naisulat, “The Code of Kalantiao” sa Bohol. Sa halip na isang “central government”, ang sultan at datu ang nangangasiwa sa bawat pulo. Tinaguyod din ang iba’t-ibang kasunduan (contracts) ukol sa pagaasawa (marriage), sa pag-aari (property), pangungutang (loans). Mga 30 hanggang 100 na pamilya ang bumubuo sa bawat “balangay”. Ang sistemang panlipunan (organized society) ay binubuo ng tatlong antas: maharlika at dakilang angkan, kawal at manggagawa at mga alipin.
Bukod sa pangingisda at pagsasaka may mga industriya na tulad ng paggawa ng mga galleon, gamit na bakal, paghabi at pag-gawa ng alak. Nagpapalitan ng kalakal ang magkalapit na bansa, “barter trade” tulad ng negosyo sa perlas, ginto, dilaw na waks, abaca, at bulak kapalit ng lata (tin), tanso (copper), seda (silk), karayom na bakal (iron needles), kutsilyo, porselana (porcelain), at aboloryo (glass beads).
(Part II – “Who We Are, How We Think, What We Do?”)