^

Bansa

VP Sara ‘di magre-resign

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara ‘di magre-resign
Vice President Sara Duterte attends her office's first budget hearing with the House appropriations committee on August 28, 2024.
House of Representatives / Released

MANILA, Philippines — Walang plano si Vice President Sara Duterte na bumaba sa puwesto sa kabila nang pag-usad ng impeachment complaint laban sa kanya sa House of Representatives.

Ang pahayag ay ginawa ni VP Sara sa unang pagharap niya sa media kahapon matapos na aprubahan ng Kamara ang ikaapat na impeachment complaint na inihain laban sa kanya at tulu­yang iakyat sa Senado.

“Wala pa tayo doon. masyado pang malayo ‘yung mga ganyan na mga bagay,” ayon kay VP Sara. “Nandoon pa lang tayo sa pagbabasa ng--- Actually, wala pa tayo doon dahil ‘yung mga abogado lang ‘yung mga nagtatrabaho. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila.”

Ayon kay Duterte, matapos ang naturang pulong balitaan ay makikipagpulong din siya sa kanyang mga abogado at pag-uusapan ang isyu.

Kinumpirma pa niya na Nobyembre 2023 pa nang magsimula ang kanyang mga abogado na paghandaan ang impeachment case, kasunod nang pag-anunsiyo dito ni ACT Teachers ­Partylist Rep. France Castro.

Aniya pa, bagamat nais ng kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte na magsilbing isa sa kanyang mga abogado ay hindi na niya ito papayagan dahil na rin sa edad nitong 80-anyos na.

Bagamat hindi pa rin naman nagko-convene ang impeachment court, sinabi rin ni VP Sara na kung maaaring hindi siya dumalo dito ay hindi na siya dadalo pa.

Aniya, “Kung pwede naman hindi and I understand puwede naman, hindi na. Kasi baka ma-intimidate lang sila lahat sa presence ko doon.”

Aminado rin si VP Sara na sa mga nakalipas na araw ay marami ang humihingi ng kanyang reaksyon, komento, o damdamin sa isyu ng impeachment.

“Sa kabila ng lahat ng aking mga naging pahayag ukol sa planong impeachment sa mga nakaraang buwan, ang tanging masasabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines,” aniya pa.

Muli rin niyang itinanggi na pinagbantaan niya ang buhay ng Pangulo. “I did not make an assassination threat to the President. Sila lang ang nagsasabi niyan. Sila lang ang nagsasabi may assassination, sila nagsasabi may assassin, may gunman. I did not say that.”

Nagpasalamat din si Duterte sa mga taong patuloy na sumusuporta, nagtitiwala, at nagmamahal sa kaniya. Pinaalalahanan din niya ang kanyang mga tagasuporta na unahin ang trabaho at negosyo kaysa ang mag-rally sa mga kalsada.

Iginiit niya na maaari namang gamitin ng kaniyang mga tagasuporta ang social media upang ihayag ang kanilang saloobin na hindi iniiwanan ang kani-kanilang mga trabaho.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with