25 kongresista humabol sa pirma vs VP Sara
![25 kongresista humabol sa pirma vs VP Sara](https://media.philstar.com/photos/2025/02/08/congres_2025-02-08_00-04-42.jpg)
MANILA, Philippines — Aabot sa 25 kongresista ang nagsumite ng kanilang verification forms para maging “complainants” ng reklamong impeachment laban kay Vice Pres. Sara Duterte.
Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco, na sakaling papayagan ng Senate Impeachment Court na maidagdag ang 25, aakyat sa 240 o mahigit 78% ng kabuuang 306 miyembro ng Kamara ang pabor na ma-impeach si Duterte.
Paliwanag ni Velasco na ang 25 na kongresista ay hindi “physically” nakapirma at nakapanumpa sa impeachment complaint dahil sila ay nasa abroad o nasa kanilang mga distrito.
Subalit nagpadala ang mga ito ng verifications sa Kamara para isa-pormal ang kanilang pagsuporta sa impeachment process laban sa bise presidente.
Matatandaan na sa orihinal na Articles of Impeachment na ini-akyat sa Senado, 215 ang mga kongresista na pumirma at nagsilibing endorsers.
Sinabi ni Velasco na ang Senado na ang bahala kung tatanggapin ang mga dagdag na complainant.
- Latest