^

Bansa

Firing squad sa mga korap na opisyal, itinulak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinulak sa Kamara ang pagpataw ng death penalty sa pamamagitan ng firing squad sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na mahahatulan ng Sandiganbayan na guilty sa mga kasong graft and corruption, malversation of public funds at plunder.

Nakasaad sa House Bill (HB) 11211 o ang Death Penalty for Corruption Act na inihain ni Zamboanga 1st District Rep. Khymer Adan Olaso, sakop ng panukala ang lahat ng opisyal ng gobyerno, inihalal man o itinalaga sa executive, legislative, at judicial branch kasama ang mga constitutional commission, government owned and controlled corporation gayundin ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

“The misuse of public funds and betrayal of public thrust not only undermine the government legitimacy but also deprieve millions of Filipinos of essential services, infrastructure and opportunities for growth,” saad sa explanatory note ng panukala.

Ayon kay Olaso, bagama’t inalis na ang parusang kamatayan sa bansa sa ilalim ng Republic Act 9346 ay hindi naman maitatanggi ang negatibong epekto ng korapsyon kaya kailangang bigatan ang parusa laban dito.

“Despite the existence of numerous laws aimed at combating graft, malversation, and plunder, the persistence of these crimes suggests that current measures are insufficient to deter public officials from engaging in corrupt practices,” sabi ni Olaso.

Ang kauna-unahang death penalty sa bansa sa pamamagitan ng lethal injection ay ipinatupad sa ilalim ng administrasyon ng yumaong si dating Pangulong Fidel Ramos.

Noong 2006 ay pinawalang bisa ang death penalty sa termino ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

KAMARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with