^

Bansa

PNP: Private armies pupulbusin hanggang Marso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglabas ng ultimatum si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil ng hanggang Marso para lansagin ang mga private armed groups sa bansa.

Ang ultimatum ni Marbil ay kasabay ng kanyang babala sa kanyang mga opisyal na maaaring masibak sa puwesto kung mabibigo na mabuwag ang PAGs.

Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, lumitaw sa kanilang monitoring na may tatlong aktibong PAGs at limang potential PAGs habang papalapit ang halalan sa buwan ng Mayo.

Ang mga aktibong PAGs ay natukoy sa Central Luzon, Central Luzon at Zamboanga Peninsula habang ang limang potential PAGs ay natukoy naman sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Eastern Visayas at Bangsamoro Administration Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kung hindi malalansag ang PAGs, may posibilidad na gagamitin ang mga ito upang mang-harass at manakot hindi lamang sa mga kalaban nilang mga kandidato, kundi maging sa mga botante.

Magpapadala ang PNP ng karagdagang personnel sa mga natukoy na areas of concern para sa mas mahigpit na seguridad para sa halalan sa Mayo 2025.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with