Boss Toyo
Big fan ako ng Pawn Stars and American Pickers dahil mahilig din ako mag-collect ng kung ano-ano especially kung sports related.
Mga autographed pictures nila Robert Jaworski, Bata Reyes at Manny Pacquiao. Meron din akong mouthpiece ni Pacquiao sa collection.
Pero wala naman ako balak ibenta. Gusto ko lang itago sa collection ko kasama ang vintage toys.
Kaya nung marinig ko na meron palang Boss Toyo, naging curious ako. Same pattern siya sa Pawn Stars, bumibili ng kung ano ang ilatag sa harap niya. Then ibebenta din niya. In short, business.
Lately daw, lumapit si John Amores kay Boss Toyo dala ang JRU jersey niya na suot niya nung magwala siya sa isang NCAA game kontra St. Benilde.
Dala din ni Amores, na ngayon ay walang pro license dahil sa isang shooting incident sa Laguna last year, ang isang sulat galing kay VP Sara na naglalaman ng “words of encouragement.”
Gusto ibenta ni Amores ang set sa halagang P200,000. Nataasan si Boss Toyo sa presyo dahil sa market daw eh makakabili ka ng signed jersey ni Steph Curry for around P70,000.
Of course, malayo si Amores kay Curry. Kaya bumaba ang presyo sa tawad na P30,000. Matapos ang balikan, nagkasundo sila sa P67,500.
Gagamitin daw ni Amores ang pera para magtayo ng negosyo na lechon manok.
Good luck John.
Good luck din Boss Toyo.
- Latest