^

PSN Showbiz

Jane, nakaraos sa survival mode

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jane, nakaraos sa survival mode
Jane de Leon

Napapanood pa rin sa mga sinehan ngayon ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024. Nagpapasalamat si Jane de Leon sa lahat ng mga tumangkilik sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na pinagbidahan nila ni Enrique Gil. “Mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, thank you so much. I know hindi kami masyadong napapansin ngayon pero unti-unti na ulit kaming nakikilala. Ang dami na ring nakaka-acknowledge ng movie namin. Natutuwa ako sa comments ng madla,” nakangiting pahayag ni Jane.

Aminado ang aktres na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa nakaraang taon.

Ayon kay Jane ay muli siyang magiging aktibo sa paggawa ng mga proyekto ngayong 2025. “Grabe kasi 2024, I think marami naman ang maraming pinagdaanan.

“Naka-survival mode ako. I always pray to God na i-turn off na ‘yon and just to be happy and just to go with the flow. I think makikita na ako ulit ng mga Kapamilya natin. Magkakaroon ako ng serye ulit. We’re going to announce it soon and excited ako na makatrabaho ‘yung makakasama ko dito sa project na ito,” pagbabahagi ng dalaga.

Napabalita noong isang taon na posibleng magkatrabaho muli sina Jane at Janella Salvador sa isang pelikula. Huling nagkatrabaho ang dalawa sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbidahan ni Jane. “We’re wor­king on it. May serye si Janella and of course I’m doing some projects also. Pero madami na ring nagpi-pitch sa amin for our movie for the future,” pagtatapos ng aktres.

Piolo, tututukan din ang pagpo-produce ng pelikula

Dalawampu’t pitong taong gulang na ngayon ang anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual.

Sa mahigit isang dekada ay kabi-kabilang proyekto na ang nagawa ng binata.

Para kay Piolo ay mas magaling umano kaysa sa kanya ang anak sa maraming aspeto. “He has so many things that he wants to do. But I want him to really pinpoint because he is so much better than me. He is a better singer, better actor, he is a dancer. He writes songs and he is very talented when it comes to arts. I want him to be able to pinpoint one thing that will catapult him to success beyond what he can imagine. I sincerely feel that he has a place in entertainment because of his talents. I want him to just keep growing, just keep on improving, just keep on getting better and never stop learning. Always be a student of this world and always be good,” makahulugang paglalahad ni Piolo kay Bianca Gonzalez sa The B Side.

Ngayong taon ay nakatakdang mag-tour muli ng mag-ama sa Amerika. Matatandaang nagkaroon ng show sina Piolo at Inigo sa Canada kamakailan. “We’re going to tour again. It’s a treat for me as a father because I get to spend time with him. I love performing with him even if he is better. Just watching him, looking at him perform, it makes my heart leap. I am proud of him, super proud of him,” giit niya.

Bukod as pagiging aktor ay abala rin si Piolo na ma­ging producer.

Ayon sa Ultimate Heartthrob ay talagang pinagtutuunan niya ng panahon ang magagandang proyekto. “I am able to juggle both at the same time for the last couple of years. It’s hard to choose. If it’s the right project for acting, I do it. If it’s the right film to produce, I do it.

“But definitely I am more inclined towards acting because that’s always been my first love. Produ­cing comes after that because it entails risk, it entails money, it entails a lot of time. I’d like to produce films, especially Filipino films, that we can champion abroad and say this is from the Philippines,” paliwanag ng aktor. — Reports from JCC

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with