Espantaho, makakarating na sa Portugal
Bongga ang Espantaho – ang sabi ng mga tagapangasiwa nito, Espantaho goes to Portugal next. It is the only Filipino film in competition. Additional international film festivals to be announced. Catch Espantaho in cinemas in the ongoing MMFF!!!
Ang tanong natin, saan kaya pupunta ang Metro Manila Film Festival Best Actress na si Judy Ann Santos – sa Manila International Film Festival sa L.A. o sa Fatasporo Festival sa Portugal?
Ang sagot eh, saan ba ang mas prestigious?
Top 5 ng MMFF, secure na
Ngayong parang secure na sa kanilang nga posisyon sa ranking ang top 5 ayon sa mga taga-teatro mismo, tama ba na 1) And The Breadwinner Is…, 2) The Kingdom, 3-4) Green Bones at Espantaho at 5) Uninvited?
Dagdag nang dagdag ng teatro ang mga naunang apat na pelikula, samantalang ang Uninvited ay apektado ng kanyang R-16 rating with very limited audience – unlike ‘yung PG na rating ng unang apat na pelikula.
May limang araw pa ang festival kasama ngayon. Sana humabol pa ang mga kababayan natin sa panonood ng magagandang entries na pasok sa kanilang panlasa.
Darryl Yap, dapat bang paniwalaan sa seryosong kuwento?
Talagang umingay ang post ni Darryl Yap ngayong Bagong Taon na nagsabing, “Maraming Maganda, Maraming Mahusay, pero Konti lang ang Maganda, Mahusay at MATAPANG. 14 years old lamang si Pepsi Paloma noong pumasok siya sa Showbiz. Kaya’t mahalagang isang galing sa pagiging Child Star ang gumanap sa kanya. Salamat Rhed Bustamante. Salamat sa pagtanggap, pagtitiwala at pagtupad sa pangarap ng isang Batang Olongapo na maikwento ang buhay ng kanyang kababayan THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA.”
Ok naman sana kung isasapelikula ito pero since tungkol sa minor at living pa ang inaakusahan na perpetrators nito, ito naman ang sagot ng isang intelihenteng netizen “Daryl Yap is the last person I’d trust to handle a sensitive and serious topic like rape. Given his history, expect a heavy dose of ‘creative freedom.” I bet base ito sa Made In Malacañang films niya noon. Oh well, let’s see.
Ibang critic sa MMFF, tinawag na koopal ni Direk Mark
Medyo nakalikha ng ingay at kumuha ng atensyon ang post ni Mark Meilley sa FB na nagsabing, “Tip No.2: Kung nanood kayo ng MMFF gamit ang movie passes, seriously, wala kayong karapatan maging critic at mamintas. Para kayong niyaya sa isang party, nabusog, nalasing, tapos magpo-post kayo at sasabihing hindi masarap yung food. #koopalmove “
May pinagkaiba ba ito sa pinakain sa party, binayaran tapos nilait-lait at siniraan pa ang event at pelikula? Oh well, kanya kanyang koopalmove ‘yan!
Nakakataquote:
“Producer’s Note: This MMFF could be a potential bloodbath for those who spent 60 or 70M on their movie (and that’s almost every film that looked big and glossy). Each production literally needs to earn three times its production cost only to break even! This is how big the taxes and cinema owners shares are. Also, the new law has made all movie workers’ lives better – but increased prod costs by a mile. So if you love film, kindly watch as many MMFF films this year as you can afford to watch and are interested in. And forgive us producers for hustling and spamming everyone on social media. It’s worrisome and painfully expensive now to make good movies ... but those are the only kinds we want to make and what the Filipino audience deserves.” – Nessa Valdellon, producer of the MMFF50 Best Picture Green Bones
- Latest