Missing crew ng lumubog na barko sa Northern Samar, natagpuang patay
MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang isa sa dalawang nawawalang crew habang nasa 13 tripulante ang nasagip sa lumubog na cargo vessel sa Lavesares, Northern Samar, noong Disyembre 30, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) kahapon.
Kinumpirma ng OCD nitong Martes ng gabi, ang pagkakarekober sa bangkay ng nawawalang 30-anyos na tripulante habang nakalutang sa karagatang sakop ng Biri, Northern Samar.
Patuloy naman ang search at rescue operation sa nawawalang 64-anyos na matandang tripulante.
Samantala, umaabot na sa kabuuang 13 tripulante ng lumubog na M/V Khatness ang nasagip ng search and rescue team sa insidente.
Ang nasabing barko na puno ng kargang semento ay galing ng Naga City, Cebu at patungong San Jose, Northern Samar nang aksidente itong lumubog sa bahagi ng Lavesares, Northern Samar.
Magugunita sa ulat na binalya ng malalakas na alon ang naturang cargo vessel hanggang sa tuluyan itong lumubog sa bahagi ng Brgy. Balicuatro, Lavezares sa Northern Samar.
- Latest