^

Punto Mo

‘Parol’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ALAM kong matalino ka Carlos at maiintindihan mo ang ikukuwento ko. Iyon ang dahilan kaya hindi mo ako nakita  sa loob nang maraming taon,’’ sabi ni Lolo Fernando habang nakaakbay sa akin. Itinigil niya ang pagkayas sa kawayan na gagawin naming parol. Noon ay kalagitnaan ng Nobyembre at inihahanda namin ang mga materyales sa sasalihan kong “Parol-making contest”.

“Nabilanggo ako Carlos. Sa kulungan sa Palawan ako nakulong. Nakapatay ako. Isang lalaki na nagtangkang gumahasa sa iyong lola ang aking napatay. Gabi noon at ­naglalakad kami ng iyong lola. Galing kami sa isang handaan sa kabilang baryo. Masaya kaming nag-uusap habang naglalakad.

Nang bigla ay isang lalaki ang biglang sumulpot sa aming dinaraanan. May hawak na patalim ang lalaki. Talagang planado ang gagawin niya. Inundayan ako ng saksak. Nadaplisan ako sa tiyan. Natumba ako at tumama ang ulo sa tuod ng kahoy. Nawalan ako ng malay.

“Sinamantala ng lalaki ang pagkawala ko ng malay at tinangkang pagsamantalahan ang aking asawa—ang iyong lola. Nahubaran na ito.

“Hanggang sa nagbalik ang aking malay at nakita kong nakakubabaw ang hayop na lalaki sa aking asawa. Isang kaputol na kahoy ang aking nadampot at pinalo sa ulo ang lalaki!” (Itutuloy)

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with