^

PM Sports

Creamline wagi sa exhibition game

Chris Co - Pang-masa
Creamline wagi sa exhibition game
Sumalang ang Cool Smashers sa exhibition game laban sa isang Cana­dian club kung saan nag­la­ro rin si dating De La Salle University standout Tin Tiamzon.
PVL image

MANILA, Philippines — Nagpakitang-gilas ang Creamline sa Canada para sa isang ex­hibition match laban sa isang Canadian club team.

Sumalang ang Cool Smashers sa exhibition game laban sa isang Cana­dian club kung saan nag­la­ro rin si dating De La Salle University standout Tin Tiamzon.

Dating naglalaro si Tiamzon sa Philippine Su­perliga (PSL) kasama ang F2 Logistics Cargo Mo­vers.

Ngunit nagdesisyon itong magretiro noong 2022.

Nagtungo ito sa Vancouver, Canada kung saan ito nagtrabaho.

Matapos ang Canada trip ay balik sa Pilipinas ang Cool Smashers upang ipagpatuloy ang kampanya nito sa PVL All-Filipino Conference.

Maliban sa exhibition game ay nagsagawa rin ang Cool Smashers ng volleyball clinics sa mga kabataang volleyball players.

Ilang serye ng special skills camp ang isinagawa ng Premier Volleyball League (PVL) reigning champions kasama ang mga players ng Cool Sma­shers.

Kasalukuyang hawak ng Creamline ang malinis na 4-0 rekord.

Sa pagbabalik aksiyon ng PVL ay makakaharap ng Cool Smashers ang Capital1 Solar Spikers sa Enero 21.

Sa ngayon ay pahinga muna ang Cool Sma­shers upang makasama ang kani-kaniyang pamilya sa pagdi­riwang ng Pasko.

May post pa si Creamline team captain Alyssa Valdez na nagpa-facial ito sa isang sikat na beauty clinic ilang araw bago ang Pasko.

Nakasama ni Valdez ang kaniyang mga magulang sa bakasyon kama­ka­ilan.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with