^

Police Metro

Mga pahayag ni VP Sara sa paggamit ng confi funds, kasinungalingan - Gadon

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pawang mga kasinu­ngalingan umano ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na ginamit ng kanyang tanggapan ang ‘confidential fund’ para sa kanilang trabaho, national security at pag-angat ng pamumuhay ng Pilipino.

Ito ang sinabi ni Presidential Adviser on Po­verty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon dahil maituturing na itong ‘duplications” sa responsibilidad at trabaho ng iba pang goverment agencies sa ilalim ng Office of the President.

Ayon kay Gadon mas dapat na ipaliwanag ni Duterte ang libu-libong indibidwal na walang birth records mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), subalit tumanggap ng pera mula sa confidential funds.

Sa katunayan aniya, hindi rin tungkulin ni VP Sara na mamahagi ng confidential funds dahil ang trabaho niya ay tulungan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Payo ni Gadon kay VP Sara, magbitiw na lamang ito kung may ‘delicadeza’ at huwag nang hintayin na ma-impeach.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with