^

PSN Palaro

Mavs tinakasan ng Heat sa overtime

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Nagsalpak si Jimmy Butler ng season-high 33 points bukod sa 9 rebounds at 6 assists para tulungan ang Heat sa 123-118 pagsunog sa Dallas Mavericks sa overtime, 123-118.

Nagdagdag si Bam Adebayo ng 19 points at 11 rebounds para sa Miami (7-7) habang may 18, 15 at 14 markers sina Tyler Herro, Alec Burks at Pelle Larsson, ayon sa pagkaka­sunod.

Iniskor naman ni Kyrie Irving ang 14 sa kanyang 27 points sa fourth quarter para sa Dallas (9-8) na nagwakas ang four-game winning streak.

May 21 markers si P.J. Washington kasunod ang 20 points ni Naji Marshall at nagdagdag si Klay Thompson ng 15 point para sa Mavericks na naglaro na wala si injured Luka Doncic (sprained right wrist).

Ang dunk ni Butler sa huling 4.1 segundo sa regulation ang nagdala sa Heat sa 114-114 patungo sa overtime.

Sa Boston, umiskor si Jaylen Brown ng 29 points kasunod ang 26 mar­kers ni Jayson Tatum para igiya ang nagdedepensang Celtics (14-3) sa 107-105 pagtakas sa Minnesota Timberwolves (8-8).

Sa Cleveland, naglista sina Donovan Mitchell at Ty Jerome ng tig-26 points sa 122-108 pagtuhog ng Cavaliers (17-1) sa Toronto Raptors (4-13).

Sa Philadelphia, nag­lista si James Harden ng 23 points para igiya ang Los Angeles Clippers (11-7) sa 125-99 paggupo sa 76ers (3-13).

Sa Indianapolis, buma­nat si Pascal Siakam ng 22 points at may 21 markers si Tyrese Haliburton sa 115-103 panalo ng Indiana Pacers (7-10) sa Washington Wizards (2-13).

JIMMY BUTLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with