Quezon, Biñan unahang dumikit sa MPVA crown
MANILA, Philippines — Bigating paborito ang Quezon subalit hindi padadaig basta-basta ang Biñan Tatak Gel 1-Pacman Partylist sa inaabangang Game 1 ng 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) best-of-three finals ngayon sa Alonte Sports Arena.
Sa homecourt muna ng Biñan ang unang sagupaan bago tumuloy ang serye sa Quezon Convention Center sa Lucena at South Quezon Convention Center sa Gumaca para sa Games 2 at 3, ayon sa pagkakasunod.
Nakatakda ang duwelo sa alas-6 gabi pagkatapos ng bronze medal tampok ang Rizal St. Gerrard Charity Foundation at Bacoor Strikers sa alas-4 ng hapon.
Magkaiba ang daang tinahak ng No. 1 na Quezon at No. 3 Biñan para sa makasampa sa finale ng MPVA ni dating Senador at MPBL chairman din na si Manny Pacquiao.
Sinulit ng Tangerines ang twice-to-beat advantage nito nang itakas ang 25-22, 25-23, 23-25, 19-25, 15-10, panalo kontra sa Rizal habang butas ng karayom ang nilusutan ng Biñan.
Nilusaw ng Volley Angels ang twice-to-beat advantage ng Strikers, 25-21, 26-24, 25-21 at 25-18, 25-18, 25-16, para masikwat ang huling tiket at mahamon ang pambatong Quezon sa race-to-two series.
- Latest