^

Probinsiya

Aboitiz Power, Pagbilao LGU at Aboitiz foundation kapit-bisig sa Giant Clam Conservation project

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng Likas Kayang Hibasanan initiative, inilunsad ng Therma Luzon, Inc. (TLI), isang subsidiary ng Aboitiz Power, kasama ang Aboitiz Foundation, Inc. (AFI) at lokal na pamahalaan ng Pagbilao ang ­Giant Clam Conservation Project sa Pagbilao Quezon.

Ang TLI ay ang 700 MW coal-fired power plant ng AboitizPower sa Pagbilao, Quezon.

Layunin ng proyekto na protektahan ang nanganganib na higanteng taklobo (giant clams) sa lugar at upang paigtingin ang marine biodiversity, at magbigay ng pangmatagalang kabuhayan sa mga residente ng Pagbilao, Quezon.

Sasailalim ang mga benepisyaryo ng proyekto sa pangunguna ng residente at miyembro ng Samahan ng mga Mangingisda ng Banlisan at Pantoc (SMBP) sa pagsasanay at kabuhayan para pangalagaan at paramihin ang higanteng taklobo doon.

Layon ng AboitizPower na paunlarin ang lokal na kaalaman ng mga benepisyaryo tungkol sa marine conservation at itaguyod ang eco-tourism sa lugar.

“Today, this is not just about livelihood; it is about protecting our oceans. Our municipality is incredibly fortunate to have the unwavering support of Aboitiz Power, which has backed us through various projects, including this wonderful Taklobo (Giant Clam) conservation effort. To Aboitiz Power, a million thanks to each and every one of you!” ayon kay Pagbilao Mayor Gigi Portes .

Una rito, nagkaroon ng benchmarking activity at project observation sa University of the Philippines Marine Science Institute (UP-MSI) sa Bolinao, Pangasinan kasama ang mga kinatawan ng Municipal Agriculture Office, Bantay Dagat ng Pagbilao, SMBP, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at TLI para sa proteksyon ng karagatan sa lalawigan.

“Ang AboitizPower ay nananatiling committed sa pagbibigay balanse sa pangangalaga sa kalikasan at pag-unlad ng komunidad. Sa pamamagitan ng proyektong ito, mapoprotektahan ang ating marine ecosystem, makakalikha ng bagong kabuhayan, at maitataguyod ang turismo sa Pagbilao,” ayon kay Lou Jason Deligencia, AVP for Corporate Services ng Aboitiz Power.

Ang TLI ay pinamamahalaan ng TeaM Energy Corporation sa ilalim ng Build-Operate-Transfer scheme na itinatag noong 1993 sa Ibabang Polo, Isla Grande at ganap na naging operational noong Agosto 14, 1996. Simula noong 2009, hawak na ng AboitizPower ang planta bilang Independent Power Producer-Administrator (IPPA), na may layuning tiyakin ang tuloy-tuloy at maaasahang supply ng kuryente sa Luzon.

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with