^

Police Metro

Lolo, dalagitang apo tupok sa sunog

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala dahil sa pagkatusta ang isang lolo at kanyang apong dalagita matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay, kamakalawa ng hapon sa Novaliches, Quezon City.

Ang maglolo ay kinilalang sina Ernesto Macapagal, 70; at 17-anyos na apong babae, kapwa residente ng Tagumpay St., Brgy. Gulod, Novaliches, Que­zon City.

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ­nagsimula ang sunog, alas-4:30 ng hapon sa bahay mismo ng mga biktima sa nabanggit na lugar.

Ayon sa saksing si Evelyn de Guzman, napansin niyang nasusunog ang bahay ng mga biktima kaya agad siyang humingi ng tulong sa barangay at tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Rumesponde naman ang nasa 32 firetrucks hanggang sa maapula ang sunog bandang alas-6:23 ng gabi at sa isinagawang mopping operation ay tumambad ang sunog na sunog na katawan ng maglolo.

Sampung bahay din ang nadamay sa sunog habang 15 pamilya ang nawalan ng tirahan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with