^

PSN Showbiz

Nadia, namatay ng apat na minuto!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nadia, namatay ng apat na minuto!
Nadia Montenegro at Apo
STAR/ File

Naospital pala si Nadia Montenegro dahil muntik na raw itong atakehin sa puso dahil sa Wolff-Parkinson-White Syndrome, na isang kondisyon na meron na siya since birth.

Nag-post ang anak niyang si Ynna Asistio at sinabing nagdudulot daw ito ng irregular heartbeat at may extra valve sa puso nito pero lumala raw ang kondisyon nito nakaraang linggo at kinailangang sumailalim sa urgent heart procedure.

Gising raw ito sa buong operasyon dahil mararamdaman niya ito kaya kailangang gising siya at bawal matulog.

Naiisip pa nga lang daw ni Nadia ay gusto niya nang tumakas.

Pero matapos daw ito ay nagkaroon ito ng malalang seizure na tumagal ng 2-3 minutes na nag-trigger ng code blue sa ospital, na ayon sa clevelandclinic.com ay ang ibig sabihin ay merong medical emergeycy sa pasyente na kadalasang cardiac o respiratory arrest ang dahilan.

Nameligro ang buhay ni Nadia at apat na minuto raw siyang nawala.

Pero hindi pa nga niya oras kaya todo ang pasasalamat niya sa Diyos na niligtas siya nito.

Na-realize nga raw ni Ynna at paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ay muntik nang mawala sa kanila ang nanay nila.

Manhid pa nga raw ang anak ni Nadia sa lahat ng nangyari sa nanay niya pero naramdaman lang daw niya ang bigat nung umuwi na siya.

Naging wake-up call nga raw ito hindi lang sa pamilya niya kundi sa kanya rin, kung gaano kaimportante na makasama at pahalagahan ang mga mahal sa buhay.

“Let’s love more, be kinder, and be more present because we never know when the last time will be. Make the most of life, and if you’re fortunate enough to still have your parents here on earth, know how blessed you are. Not everyone has that privilege. Whatever happens, love your parents deeply and unconditionally,” panawagan niya sa lahat.

Nagpapagaling na nga si Nadia at nabisita na rin ng mga kaibigan niya.

NADIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with