^

PM Sports

Lyceum nagbulsa ng playoff spot

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniskor ni rookie Jona­than Daileg ang lahat ng kanyang 11 points sa fourth quarter para akayin ang Lyceum of the Philippines University sa 74-65 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Tinuhog ng Pirates ang ikatlong sunod na panalo para sa 9-8 record at solohin ang fourth place, habang nalaglag ang Ge­nerals sa 8-9 marka.

Ibinulsa ng Lyceum ang playoff spot para sa huling tiket sa Final Four na kinabibilangan ng College of St. Benilde, (13-3) Mapua University (13-3) at nagdedepensang San Beda University (10-6).

Hawak na ng Blazers at Cardinals ang dalawang ‘twice-to-beat’ incentive.

“I always reminded them that this game is very important to us. Kung importante din sa EAC mas importante sa amin kasi our goal is going to the Final Four,” ani coach Gilbert Malabanan.

Sa ikalawang laro, niresbakan ng sibak nang University of Perpetual Help System DALTA ang Jose Rizal University, 86-82.

 

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with