^

PSN Palaro

Lyceum, Arellano maghahabol sa NCAA Final Four ticket

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa bubuhayin ng Lyceum of the Philippines University at Arellano University ang kanilang mga pag-asa sa Final Four sa pagpapatuloy ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

Lalabanan ng Pirates ang San Sebastian Stags nga­yong alas-11 ng umaga, habang haharapin ng Chiefs ang Jose Rizal Heavy Bombers sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Inangkin ng College of St. Benilde at Mapua University ang unang dalawang silya sa Final Four sa kanilang 12-2 at 11-3 baraha, ayon sa pagkakasunod.

Dalawang tiket pa ang natitira.

Ang No. 1 at No. 2 teams sa Final Four ang bibigyan ng ‘twice-to-beat’ incentive kontra sa No. 4 at No. 3 squads, ayon sa pagkakasunod.

Nasa ilalim ng St. Benilde at Mapua ang nagdedepensang San Beda University (9-5), Emilio Aguinaldo College (7-7), Letran (7-8), Lyceum (6-8), Perpetual Help (6-9), Arellano (5-9), Jose Rizal (4-10) at San Sebastian (4-10).

Laglag ang Pirates sa three-game losing slump, ha­bang target ng Stags ang unang back-to-back wins ma­tapos talunin ang Chiefs, 88-75, sa huli nilang laro.

Samantala, nagmula rin sa kabiguan ang Chiefs at Heavy Bombers bago ang kanilang bakbakan.

Yumukod ang Jose Rizal sa San Beda, 70-83, sa huli nilang salang.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with