^

Pang Movies

KathDen, nagbenta na ng ticket sa HLA!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KathDen, nagbenta na ng ticket sa HLA!
Kathryn Bernardo at Alden Richards
STAR/File

Parang concert ng K-pop artists at local at international artists ang demand sa tiket para sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love Again. Two months before the showing sa Nov. 13, 2024, on sale na ang tiket sa SM cinemas at sa Ayala Malls cinemas.

Ang nakagugulat pa, almost sold out na ang tiket sa SM cinemas kung saan ipalalabas ang nasabing pelikula.

May mga kasado na ring block screenings, may mga inaayos pa at ang fans pa lang ni Alden, gusto nilang higitan ang 115 block screenings na sponsored nila para sa HLG. Siyempre, hindi patatalo ang fans ni Kathryn.

Pia, hinihingian pa rin ng resibo!

Hinihingian ng resibo ng netizens si Pia Wurtzbach sa sinabi niyang invited talaga siya sa fashion show ng Carolina Herrera, hindi lang siya nakaabot dahil sa traffic.

Kaya, pinost na lang niya ang ipinadala sa kanyang video “to make it up to them,” sabi nito.

Ayaw nga lang maniwala ng netizens, lalo na ang bashers niya. I-post daw niya ang invitation para magkaalaman. Hindi raw invitation card ng Carolina Herrera ang pinost niya at bakit daw may punit? Mali rin daw ang date na binanggit niya dahil Sept. 9, at hindi Sept. 8 ang CH fashion show.

Pero, parang ayaw na niyang pahabain pa ang isyu na ginamit niya ang hindi niya video dahil tuloy ang pag­rampa niya sa New York Fashion Show.

Saka, nag-post uli ito na naka-tag ang Carolina Herrera at gamit pa niya sa hashtag ang #CarolinaHerreraSpring25. Pero parang street pictorial na.

Hindi pa tapos ang isyung ito ni Pia at Carolina Herrera dahil iba ang lumabas na pictorial ni Kelsey Merritt na present sa event ng CH show.

Edu, wala sa mukha na 69 na!

Ang short lang ng birthday message/greetings ni Luis Manzano sa dad niyang si Edu Manzano at ang sabi lang, “Happy birthday daddyo @realedumanzano!!! See you tomorrow!!! love you!:).”

Pero, ang kasamang photo nila ng ama ang nagdala sa kanyang post. Baby pa si Luis at kasabay niyang naglalakad si Edu at tila nasa kasal ang mag-ama. Hindi colored ang picture, and yet, kita ang kagwapuhan ni Edu at ang pagiging cute ni Luis.

Kaya naman ang mga comment, hindi lang nakibati sa birthday ni Edu na 69 years old na pala (wala sa hitsura at katawan). Kasama na ang comment sa pagiging guwapo niya at pinansin din na kamukha ni Luis ang anak nila ni Jessy Mendiola na si Peanut noong bata pa siya. Siya raw pala ang kamukha ng anak at hindi si Jessy.

May nag-comment pa nga na mas pogi si Edu kesa kay Luis na inaamin naman ni Luis.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with