^

Punto Mo

Maid of Honor (230)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Yana sa narinig sa kapatid na si Inah na kasintahan na nito si Rocky.

“Totoo ba ang sinasabi mo Inah? Mag-on na kayo ni Kuya Rocky?’’

“Oo Yana. Nagtapat siya sa akin. Kanina lang habang namamasyal kami sa tabing dagat. Isang singsing ang binigay niya. Eto nga at suot ko na. Napakaganda, Yana Maligayang-maligaya ako.”

“Pero malaki ang agwat ng edad n’yo halos kalahati!’’

“Wala naman sa edad ang pag-ibig Yana. Basta ang nadarama ko, mahal na mahal ko si Rocky at siya man ay ganundin.’’

“Sabagay. Kung yan ang talagang gusto mo at nagmamahalan kayo ay ano pa nga ba ang gagawin. Ikaw ang nakaaalam nang mabuti para sa sarili mo.’’

“Balak ni Rocky na kung magpapakasal kami ay dito sa resort ang reception. Para marami ang makadalo.’’

“Ay oo maganda ang naisip n’yo. Kailan n’yo balak magpakasal?’’

“Wala pa namang petsa—balak pa lang.’’

“Naku e di uuwi kami para sa kasal n’yo.’’

“Siyempre naman. Hindi magiging masaya ang kasal namin kung wala kayo.’’

“Sige darating kami kahit wala pang petsa. Pero sana sa summer n’yo gawin para naisasama ko pati ang kaibigan ko at mama niya.’’

“Hmmm sino namang kaibigan? Lalaki o babae?’’

“Lalaki.”

“Baka bf mo na? Anong name?”

“Ram.’’

“BF mo na?’”

Nagtawa si Yana.

“Malapit na,’’ sabi nito.

“Malandi!’’

Nagtawa si Yana.

“Sige sabihin mo kina Kuya Honor at Ate Bianca ang tungkol kay Rocky.’’

“Okey sige Inah.’’

“Bye. Tawag na lang ako uli.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Ikinuwento ni Yana kina Kuya Honor at Ate Bianca ang tungkol kay Rocky. Hindi makapaniwala ang mag-asawa.

“Salamat naman at nakabangon si Pareng Rocky,’’ sabi ni Honor.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with