Mas mataas na singil sa kuryente, nakaamba ngayong Mayo
MANILA, Philippines — May nakaambang pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan, bunsod na rin ng inaasahang pagtaas ng power prices mula sa wholesale electricity spot market at iba pang suppliers.
Ayon kay Manila Electric Co. (Meralco) spokesperson Joe Zaldarriaga, may bagong gastusin na idaragdag sa power rates na maaaring mag-reflect ngayong May billing.
Tinukoy ni Zaldarriaga ang natitirang tranche na P0.20 kada kilowatt-hour (kWh) mula sa March increase sa generation charge, na hinati para sa buwan ng Abril at Mayo, gayundin ang pagsasama ng P0.04/kwh na increase sa universal charge simula ngayong buwan.
Bukod dito, mayroon din aniyang posibilidad na tumaas ang presyo ng kuryente mula sa spot market dahil sa pagtaas ng demand at mga unscheduled shutdowns.
Ani Zaldarriaga, iaanunsiyo nila ngayong Huwebes ang magiging pinal na adjustment sa presyo ng kuryente.
Tiniyak din naman ni Zaldarriaga na maghahanap ang Meralco ng mga paraan para mabawasan ang naturang posibleng pagtaas.
- Latest