^

Punto Mo

EDITORYAL - Mas ligtas kung naka-face mask

Pang-masa
EDITORYAL - Mas ligtas kung naka-face mask

WALA nang pilitan sa pagsusuot ng face mask. Pero sa kabila na boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask, marami pa rin ang pinipiling mag-face mask. Nakasanayan na nila. Mabuti naman ito para makatiyak na hindi makasasagap ng COVID-19 virus, iba pang sakit at maski air pollution.

Kapansin-pansin na ang mga taong namamasyal sa mall, palengke at iba pang kulob na lugar ay pawang naka-face mask. Hindi na nila inaalis at tila ba hindi na kumpleto ang gamit sa katawan kapag walang face mask.

Mas magandang ipagpatuloy na ang pagsusuot ng face mask kahit ideklara na ng World Health Organization (WHO) na wala nang banta ang COVID sa mundo.

Sabi ng Department of Health (DOH) kamakalawa, tumaas daw ang kaso ng COVID-19 makaraan ang Semanta Santa. Ayon kay DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nakapagtala ng 7.6% na positivity rate mula sa 6.9% noong nakaraang linggo. Mula sa 274 na kaso kada araw ay naging 371 ito makaraan ang mahabang bakasyon noong Semanta Santa. Ganunman, sinabi ni Vergeire na nakahanda ang DOH kung magkakaron ng COVID surge.

Preparado umano sila sa pagkakataong ito dahil may maayos nang Sistema sa lahat ng ospital. Marami na rin umanong kaalaman ang health workers at marami rin umanong gamot at bakuna. Muli namang inulit ni Vergeire na boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa kabila na may naitalang pagtaas.

Wala namang mawawala kung magsusuot ng face mask kaya mas makabubuti kung ipagpatuloy ang pagsusuot nito. Magsuot sa mga lugar na maraming tao gaya ng palengke, mall, sinehan at iba pang lugar para makatiyak na hindi mahahawahan ng COVID.

Isa pa, sakali mang may manalasang sakit na nakahahawa, sanay na ang lahat sa pagsusuot ng face mask. Hindi mahihirapan at tiyak na maliligtas dahil nakapaghanda na. Nagkaroon na ng aral sa pandemya.

FACE MASK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad