^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy ang korapsiyon

Pang-masa
EDITORYAL - Patuloy ang korapsiyon

SA inilabas na 2022 Global Corruption Index noong nakaraang Enero, sinabing nasa “medium risk” ng korapsiyon ang bansa. Sa 196 na bansa na sinuri na may kaugnayan sa corruption, pang-105th ang Pilipinas na patuloy na nananaig ang katiwalian. Noong 2020, pang-111th  ang Pilipinas at noong 2021, pang-102nd. Hindi pa rin naglalayo ang ranking ng bansa sa korapsiyon at malayo pang maabot ang tinatamasa ng ibang bansa na walang bahid ng katiwalian.

Masyadong malayo ang Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia. Ang Singapore ay pang-13th; Malaysia (49th), Brunei (79th), Indonesia (98th) at Thailand (101st).

Ang mga bansa na pinaka-very low risk sa corruption ay ang Norway, Finland, Sweden, Denmark, Estonia, New Zealand, Iceland, Australia at Ireland. Walang problema sa pangungurakot ang mga bansang nabanggit kaya naman matatag ang kanilang kabuhayan.

Nasa “medium risk” ng korapsiyon ang Pilipinas. Pero kahit sabihing nasa medium o katamtaman, iisa pa rin ang ibig sabihin—nakabalot pa rin sa korapsiyon ang Pilipinas. Sa panaginip na lamang matatamo ang tinatawag na “malinis na paglilingkod” na walang bahid ng korapsiyon.

Patuloy ang nakaugalian na hindi gagalaw ang mga nilalakad na dokumento sa mga tanggapan ng pamahalaan kung hindi magpapadulas ng pera. Pinaghihintay nang matagal ang taumbayan para makakuha ng permit sapagkat kailangan munang maglagay.

Laganap ang korapsiyon sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue. Maraming nakalulusot na kontrabando at walang pumapasok na tax sa pamahalaan. Pawang sa bulsa ng mga korap sa BoC at BIR ang hantong ng pera. Hindi na mabilang ang mga korap sa BoC at BIR na pumintog ang mga bulsa dahil sa pangungurakot.

Maraming nangyayaring korapsiyon sa DPWH. Maraming kalsada, tulay, gusali ang nasisira at bumabagsak dahil ang ginamit na materyales ay substandard. Pinagkakitaan nang todo.

Maraming korap sa Bureau of Immigration kung saan maraming dayuhan ang nakakapasok gaya ng POGO workers. Maraming BI officers ang sangkot sa human trafficking.

Nitong panahon ng pandemya, pinagkakitaan ang mga gamit para sa COVID. Dahil sa korapsiyon, hindi maibigay ng DOH ang benepisyo sa healthcare ­workers. Kailan matatapos ang korapsiyon sa bansang ito? Wala nang katapusan. Hangga’t marami sukab sa pera, patuloy ang katiwalian.

CORRUPTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with