SKorea, US agree to step up cooperation in six-party nuclear talks

KIDAPAWAN CITY – Kumpirmadong napaslang ang drayber at konduktor ng isang pampasaherong bus habang isang pasa­hero naman ang nasugatan sa naganap na madugong holdapan sa bayan ng Guindulungan, Maguin­danao kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Abdullah Saiben Mohamad, driver at kon­duk­tor nitong si Joel Hamin­dang ng Husky Transport Company na nakabase sa South Cotabato.

Kasalukuyang nasa os­pi­tal ang pasaherong si Ro­land Soquia matapos na tamaan ng bala ng baril sa paa.

Lumilitaw na sumakay sa bus ang dalawang ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Salvo sa bayan ng Datu Saubi Ampatuan at pagsapit sa nasabing ba­yan ay nagdeklara ng hol­dap.

Matapos limasin ang pera, alahas at mga celfone ng mga pasahero ay hindi pa nakuntento at pinag­ba­baril ang drayber at kon­duk­tor.

Gayundin, ang pasahe­rong si Soquia matapos ang komosyon sa loob ng nasabing bus  kung saan mabilis na nagsitakas ang mga holdaper.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kaso habang naglun­sad na ng malawakang dragnet operation ang pulisya para madakip ang mga holdaper. (Malu Manar at Joy Cantos)

Show comments