^

PSN Opinyon

'LPG Device kuno: Raket o modus?'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

ISANG tipster ang nakipag-ugnayan sa BITAG upang maipaabot ang kanyang panawagan na balaan ang lahat sa isang posibleng modus na gumagala sa mga bahay-bahay.

Ayon sa nagpakilala lamang na si Sugar, dalawang lalaki na nagpapakilalang fire prevention team umano ang nag-ikot-ikot sa kanilang barangay noong nakaraang taon.

Kailangan daw ng mga ito na silipin ang kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG) kung may diperensiya dahil uso ang sunog noong mga panahon na iyon.

Matapos inspeksiyunin, agad daw silang inalok ng produktong LPG safety device sa halagang P2,995. Makakatulong daw ito upang masigurong hindi sasabog ang tangke ng gas.

Halos isang taon ang lumipas, muling bumalik ang mga kolokoy para tsek-apin umano ang mga ikinabit na LPG device.

Walang kaabug-abog, idineklara nitong may leak na ang device at kailangan ng palitan sa halagang 1,700 na lamang.

Ganoon din daw ang findings ng mga ito sa kanilang mga kapitbahay. Hindi pumayag ang tipster. Ang siste, para raw sa kaniyang kaligtasan, gagawan na lamang daw ng paraan ang nag-leak na LPG device

Matapos daw itaktak ang nasabing device, presto, ayos na raw ito subalit kinakailangan niyang magbayad ng P495 bilang service fee.

Babala ng BITAG, isa lamang ito sa mga modus operandi na kumakatok sa inyong mga bahay.

Dalawa lamang iyan, peperahan lamang kayo dahil walang kuwenta ang kanilang produkto o di naman kaya’y looban ang inyong mga tahanan.

Sakaling makaengkuwentro ng ganitong estilo, tandaan ang ilang tips na ito mula sa BITAG: Una, huwag basta-basta magpapasok ng mga estranghero sa inyong bahay, alamin agad ang pakay ng mga ito.

Ikalawa, kung nagpapakilalang fire prevention team alamin agad kung may endorso ang Bureau of Fire sa inyong munisipyo o city hall. Mas makabubu-ting tawagan ang nasabing tanggapan upang makasigu-rong pinahihintulutan nila ito.

Ikatlo, maging maingat sa pagbili ng mga device na ikakabit sa inyong kalan. Siguraduhing aprubado ito ng DTI at ng Bureau of Products and Standards. 

Ikaapat, tumawag nang maraming kapitbahay kung magde-demo ito sa loob ng inyong bahay, anumang balak na masama ng mga kolokoy, hindi nila basta-basta maisasagawa ito.

Maging mapanuri at matalas sa mga estrang­herong nakakausap lalo na’t papapasukin ng inyong bahay. Parehong hindi kanais-nais ang masunugan at manakawan.

AYON

BABALA

BAHAY

BUREAU OF FIRE

BUREAU OF PRODUCTS AND STANDARDS

INYONG

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with