^

PSN Opinyon

Editoryal - Tuberculosis:Banta sa buhay ng mga Pinoy

-
NOONG August 19 ay ipinagdiwang ang ika-125 kaarawan ni President Manuel L. Quezon. Ipinanganak siya sa Baler, Tayabas, na ngayon ay Quezon, isinunod sa kanyang pangalan. Namatay siya sa Saranac Lake, New York noong Agosto 1, 1944. Tanong: Ano ang kanyang ikinamatay? Tuberculosis (TB).

Mula noong 1944 hanggang sa kasalukuyan, ang TB ay patuloy na banta sa mga Pilipino. Sa kabila na marami nang mga gamot, ang sakit na ito ay patuloy pa ring pumapatay at marami pa rin ang hindi nakaalam na TB ang unti-unting pumipinsala sa kanilang katawan. Ayon sa Philippine Business for Social Progress (PBSP) sinasabing 75 Pinoy ang pinapatay ng TB araw-araw at pinakamarami sa Metro Manila at Southern Tagalog ang nabibiktima. Ang TB ang ika-lima sa karaniwang dahilan ng kamatayan ng mga Pilipino. Ang virus na tinatawag na tubercle bacillus ang dahilan ng TB.

Hindi lamang ang mga bansang mahihirap o mga nabibilang sa Third World countries ang sinasalanta ng TB maging ang mga bansang mauunlad ay apektado nito. Dito sa Pilipinas na laganap ang kahirapan at ang pamumulitika ang almusal, tanghalian at hapunan, ang paglaganap ng sakit na TB ay hindi natututukan. Dahil sa kamahalan ng gamot para sa TB, marami ang namamatay na hindi na nakatikim nito. Dahil sa mahal ng konsulta sa doctor, marami ang nagse-self medication na lamang na ang kinatutunguhan ay ang pagkamatay din. Katwiran nang marami, walang perang pampagamot at perang pambili ng gamot. Ang sakit na taglay ay patuloy sa pagkalat.

Ang Department of Health ay kulang na kulang sa pagpapahatid ng impormasyon sa taumbayan kaugnay sa TB. Kung naging masigasig sila sa paghahatid ng mga impormasyon nang manalasa ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) sa bansa, bakit hindi magawa ang ganitong impormasyon sa TB. Kung gumasta ng malaking halaga sa information campaign sa SARS noon, mas dapat na gumasta para sa kampanya sa TB. Hindi gaanong nakapanalasa ang SARS dahil sa kampanyang iyon at dapat ganito rin ang gawin para matigil na ang pananalasa ng TB. Bukod sa kampanya, nararapat gumawa ng paraan ang pamahalaan na maibaba ang presyo ng mga gamot para sa TB. Yung presyo na kayang bilhin ng mga apektado ng TB.

Ang kalusugan ng mamamayan ay dapat maging prayoridad ng pamahalaan. Isantabi ang pulitika at pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng mamamayan.

vuukle comment

DAHIL

METRO MANILA

NEW YORK

PHILIPPINE BUSINESS

PILIPINO

PRESIDENT MANUEL L

QUEZON

SARANAC LAKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with