^

PSN Opinyon

Executive privileges

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ILANG senador ang nayamot dahil walang dumalo sa ipi­na­tawag na ikalawang pagdinig ng Committee on Foreign Relations sa pangunguna ni Senator Imee Marcos.

Walang sumipot sa mga pangunahing opisyales ng pamahalaan. Nagpatawag ng hearing si Senator Imee hinggil sa pagkaaresto at pagbiyahe kay Tatay Digong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands noong Marso 11. Kasong crime against humanity ang kina­kaharap ni Tatay Digong. Pero sabi ng abogado ni Tatay Digong, maaari itong mapalayang pangsamantala.

Ang mga inimbitahan ni Senator Imee ay ilang miyembro­ ng Gabinete ni President Ferdinand Marcos Jr. at mga opis­yales ng Philippine National Police (PNP). Ikinakatwiran umano ng mga opisyal ang kanilang Executive privileges.

Kaya sabi ni Senator Imee na isu-subpoena ang mga inimbitahang opisyal at kailangang may pirma na ni Se­nate President Chiz Escudero. Narinig kong sinabi ng mga dalub­hasa sa batas na dapat munang repasuhin ng mga mam­babatas kung hanggang saan ba talaga ang Executive pri­vileges ng mga opisyales ng pamahalaan upang hindi na maging sagabal sa mga susunod pang pag-iimbita sa isa­sagawang imbestigasyon sa Senado at House of Representatives.

Dapat nang maputol ang tradisyon ng mga opisyales ng pamahalaan na umiiwas sa imbestigasyon ng Senado at House of Representatives. Nasasayang ang oras at pera ng taumbayan dahil sa hindi pagsipot ng inanya­yahang opisyal ng pamahalaan. Binabalewala kasi nila ang Senado at House of Representatives.

Sa aking palagay, ito ang dapat pagtuunan ng pansin ni Escudero at House Speaker Martin Romualdez sa kani­lang pagbabalik-session sa Hunyo kung saan tatalakayin ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte. May kaugnayan ang impeachment sa pagbabanta ni Sara kay BBM at ang hindi maipaliwanag na intelligence fund ng OVP at DepEd. Sabagay, maski si Sara ay ilang beses ding hindi dumalo sa hearing ng Kamara.

Ang masasabi ko lang kapana-panabik ang impeachment case ni Sara sa Senado. Balita ko handang-handa na ang Senado sa pagtalakay sa impeachment complaint. Nakahanda na raw ang isusuot ng mga senador sa sa pagtalakay sa kaso ni Sara.

Tanong ko lang, paano kung matalo ang mga reelectionist na senador at mapalitan ng mga bago sa May 15 elections. Paano ang impeachment? May impeachment pa kayang magaganap o wala?

Abangan!

IMEE MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->