Lunas sa premenstrual syndrome (PMS)
SA mga kababaihan, kung regular na nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabagu-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring mayroong premenstrual syndrome (PMS). Kayang malunasan ang PMS sa pamamagitan ng mga sumusunod:
l Baguhin ang diet. Kumain ng mas kaunti, pero mas madalas para mabawasan ang paglaki ng tiyan.
l Limitahan ang asin at maaalat na pagkain.
l Pumili ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay.
l Pumili ng pagkain na mayaman sa calcium gaya ng fat-free, o low-fat dairy products.
l Maaring uminom ng calcium supplements.
l Iwasan ang pag-inom ng kape at alak.
l Ang regular na pag-eehersisyo ay maaaring magpakalma ng mga sintomas.
l Magbawas ng stress. Ang stress ay maaaring magpalubha sa sintomas ng PMS.
l Iplano ang sarili sa loob ng 1 linggo habang inaasahan ang sintomas ng PMS.
l Magkaroon ng sapat na tulog.
l Ang pagsasanay nang malalim na paghinga ay maaaring makatulong na mabawasan ang pananakit ng ulo, pagkabalisa at hindi pagkatulog.
l Kung hindi gumaling ang PMS sa pamamagitan ng lifestyle changes, kumunsulta sa doktor.
- Latest