^

PSN Opinyon

80 na si Duterte

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

WALUMPUNG taong gulang na si dating President Rodrigo Duterte sa Marso 28.

Sa nagdaang 80 taon, nakaugalian na ni Duterte na hindi magdaos ng anumang party sa kanyang kaarawan.

Sanay na ang mga Dabawenyo na tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay walang malaking pagtitipon.

Magdi-disappearing act si Duterte at kung may gagawin man siyang activity, ‘yun ay dalawin ang mga bata sa House of Hope sa loob ng Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Naging panata na ng dating Presidente na makihalubilo sa mga batang may cancer na karamihan sa kanila ay kalbo na dahil sa epekto ng kanilang pagpapagamot sa iniindang sakit.

Ang mga batang ito ay nagpapagamot sa pamamagitan ng chemotherapy o radiation upang labanan ang cancer.

Karamihan sa kanila ay nanggaling pa sa malalayong pro­binsiya o rehiyon kaya wala silang matutuluyan dito sa Davao City dahil kasama pa nga nila ang kanilang mga magulang o mga kamag-anak na magbabantay sa kanila habang nagpa­pagamot.

Dahil nga sa dumarami na ang mga batang may cancer, kaya napagpasyahan na magtayo na ng House of Hope para sa mga batang may sakit.

Maliban sa mga bata sa House of Hope, ang tanging­ kasama ni Duterte tuwing Marso 28 ay ang kanyang pamilya sa isang salu-salo o dinner kasama ang kanyang mga anak at apo.

Ngayong darating na Marso 28, hindi na katulad ng mga nagdaang taon na kasama ni Duterte ang mga bata sa House of Hope sapagkat nakapiit siya sa  detention facility ng Inter­national Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Hindi na maaasahan pang magdiwang si Duterte ng kan­yang ika-80 kaarawan na kasama ang kanyang mga anak at mga apo.

Ang tanong ngayon ay kung makikita o makakasama pa ba ng dating Presidente ang mga bata sa House of Hope na lagi niyang dinadalhan ng mga laruan bilang regalo niya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Makakauwi pa ba ang dating Presidente dito sa Pilipinas?

PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->