^

PSN Opinyon

PNP, kailangang bumawi

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAGTAGUMPAY si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Maj. Gen. Nicolas Torre III at ang kan­yang mga tauhan sa pag-aresto at pagdadala kay dating­ President Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands kung nasaan ang detention facility ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11.

Nakita sa mga video na kuha sa Villamor Airbase kung gaano karami ang mga tauhan ni Torre na kumuha sa 80-anyos na dating Presidente.

Ngunit may iba pa ring pangyayari na iba ang pronounce­ments ng Philippine National Police at iba naman ang actual na pangyayari.

Gaya na lang ng sinabing simulation exercise kuno na pagdating ng ilan daang pulis na naka-full-battle gear noong Marso 10 ng gabi na nagmartsa patungo sa Davao International Airport.

Iyon ay para umano sa darating na halalan sa Mayo 12. E, hindi naman election area ang airport?

Paano ang simulation exercise na para raw sa pag­ha­handa sa halalan.

At noon ngang Marso 11 ay inaresto na si Duterte sa NAIA 3 paglapag ng eroplanong Cathay Pacific kung saan lulan siya galing Hong Kong.

Ang Naia, Clark International Airport, Mactan International Airport sa Cebu at ang Davao City International Airport ang pinabantayan ng maigting para sa pagdating ni Duterte.

Kaya wala nang naniniwala sa PNP lalo na sa sinabi nitong simulation exercise daw ang nangyari sa Davao Airport noong May 10.

Tapos, eto pa, may pahayag ang PNP na exempted ang PNP at Armed Forces of the Philippines sa psychological at drug tests na requirements sana sa pagseserbisyo nito.

Kaya noong isang gabi nang nagsimulang nag-vigil ang mga kapitbahay at ibang mga Dabawenyo sa harap ng bahay ng mga Duterte sa Doña Luisa Village 2 ay ma­rami sa kanilang naglabas ng sentimyento na mahirap na nilang paniwalaan ang PNP.

Dahil nga sa mga pangyayari ngayon at sa mga nagdaang araw, medyo nawawalan na rin ng kumpiyansa ang tao sa mga pulis. Mahirap bawiin itong nawawalang tiwala ng mga tao sa PNP.

Ngunit kailangan na ngang bumawi ang hanay ng kapulisan at nang maibalik nito ang tiwala ng mga tao sa kanila.

PNP

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->