^

PSN Opinyon

Chicken soup

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Ang chicken soup ay may benepisyo sa mga sumusunod na kondisyon: ubo, sipon, trangkaso, hangover at nag­papa-breast feed. Ayon kay Dr. Stephen Rennard ng Uni­versity­ of Nebraska, ang chicken soup ay tumutulong sa pag-alis ng pagbabara ng sipon at plema. Pinipigilan nito ang pa­mamaga ng tonsils at paggawa ng plema (anti-inflammatory). Ang chicken soup ay may sangkap na amino acid o cysteine, na lumalabas sa pagluluto ng sabaw ng manok. Ang cysteine ay nagpapalabnaw ng plema sa baga. Mataas sa protina ang manok.

Mga sangkap sa paggawa ng chicken soup:

Camote – Ang camote ay maraming carotenoids tulad ng beta-carotene. Mataas ang camote sa fiber, vitamins B6, C at E, folate at potassium. Mababa ito sa calories. Ayon sa pag-aaral, nakababawas ng tsansa ng pagkakaroon ng lung cancer ang pagkain ng camote.

Carrots – Ang carrots ay may taglay na beta-carotene at Vitamin A. Ang vitamin A ay tumutulong lumaban sa impek­syon at mabuti rin sa mata. Puwedeng pang-diyeta ang carrots dahil 35 calories lang ang kalahating tasa nito.

Celery – Ang celery ay mataas sa vitamin C, magnesium at iron na kailangan ng dugo. Ayon sa mga eksperto, may tulong ang celery sa sakit sa puso, sakit sa baga tulad ng hika at bronchitis.

Black pepper – May taglay itong volatile oils at alkaloids na makatutulong sa pagluwag ng sinuses o daanan ng sipon. Puwede rin ito sa may ubo at trangkaso.

CHICKEN

SOUP

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with