Safety officer, dedo sa gulpi ng ex-mayor ng Aringay, La Union!
MAY kalalagyan si ex-Aringay, La Union Mayor Napoleon Ong matapos madedo ang isang lalaki na pinagbubugbog nila ng kanyang mga tauhan. Walang kakuwenta-kuwentang dahilan ng kanilang away, simpleng di-pagkaunawaan lang. Tsk tsk tsk! Napakababaw namang dahilan, ‘no mga kosa?
Sa ngayon, nagdurusa ang pamilya ng biktimang si Oscar Acosta Butial, 58, dahil nawalan sila ng tagapagtaguyod ng kanilang pang-araw-araw na gastusin. Dipugaaaaa!
Nakipag-ugnayan sa ngayon ang pamilya ni Butial kay La Union provincial director Col. Heryl Bruno sa pagsampa ng kasong murder laban kay Ong at mga kasamahan. Hustisya ang isinisigaw ng pamilya. Sanamagan!
Dapat lang talaga masampolan ang siga na si Ong, na ang ipinagmamalaki ay si ex-La Union Gov. Pakoy Ortega. Mismooo! Hehehe! Dapat pa bang i-memorize ‘yan!
Si Butial mga kosa ay safety officer ng Carolina Builders. Kasama ang driver na anak na si Oslinn Butial, 31, at mga kasama, nagsadya sila sa residential compound ni Ong na matatagpuan sa Bgy. San Eugenio, Aringay para kunin ang inorder nilang steel beam para gamitin sa kanilang construction site.
Habang nasa bakuran ng mga Ong, inutusan ng ex-mayor ang mag-amang Butial at mga kasama na tulungan ang kanilang workers na mag-load ng steel beam sa kanilang pick-up.
Mukhang hindi pinatulan ng mag-ama ang utos ni Ong na naging dahilan para magalit ito at itinulak ang matanda na ikinatumba nito.
Nang tumayo si Oscar, ayon sa police report ni Maj. Marvin Angcan, sinuntok ito ni Ong sa dibdib at napayuko ang biktima sa sakit. Sal-it! First round pa lang ito mga kosa. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ayon sa report ni Angcan, pinagtulungan nina Ong, at Reggie Ong at mga workers nito ang pagbugbog kay Oscar, na timaan sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa ganitong sitwasyon nang pumasok sa bahay si Reggie at paglabas nito ay may bitbit ng riple na kinasa nito at itinutok kay Oscar. Kaya lang inawat ito ni ex-mayor kaya’t ipinutok na lang ni Reggie ang baril niya sa lupa.
Itinuon na lang ni Reggie ang galit sa anak ni Butial na kanyang hinabol at pinaputukan din sa lupa. Nagtakbuhan sina Oslinn at mga kasamahan para makaligtas sa galit ng mga Ong at workers. Purbidang yawaahhh! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Pagdating ni Oscar sa construction site sa Bgy. Baccuit Sur, Bauang, La Union, matamlay na ito at nagreklamo ng paglalambot at pagkahilo. Itinakbo siya sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando kung saan siya nadedo, ayon kay Dr. Maria Clarence Villanueva. Sanamagan!
Maliban sa pagiging safety officer ng Caroline Builders, si Oscar ay magaling ding referee at coarch sa basketball. Sa pagiging ref at coach kinukuha ni Oscar ang pandagdag suporta sa kanyang pamilya. Sal-it!
Ang balitang kumakalat sa Bauang, pilit na inaayos ng pamilya Ong ang kaso kaya lang mukhang hindi nila makakamtan ito. Ang sakit sa bangs nito!
Kung sabagay, siga talaga ang mga Ong sa Aringay dahil sa relasyon nila sa mga pulitiko. Maraming nakatagong baril ang mga ito na dapat dagitin ni Col. Bruno. Abangan!
- Latest